Friday, 8 June 2012


To…..
I know you won’t get the chance to read but just so you know, I  wish I didn’t turn you down before.

Siguro ‘yung preamble na lang muna ang English ngayon.
Minsan, actually madalas kong naiisip na pinagsisihan ko na hindi ka/tayo napagbigyan ng pagkakataon. Na dapat pala ganito, ganyan e’di sana ganito na tayo (eh sabi mo nga, 2 years na sana). Ano nga kaya no?
Minsan parang nauuntog na lang ako dun sa mga maling desisyon na nagawa ko dati pero sabi nga nila, walang dapat pagsisihan sa nakaraan. Tama nga naman. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na isiping ang tanga tanga ko lang.
Masaya sana ako ngayon at hindi nagboblog ng ganito kung inisip ko ‘yung dapat ginawa ko noon.
Napapasaya mo ako eh. Oo, hindi ikaw ‘yung perpekto, gwapo at kung anu ano pero the way na napapangiti mo ako, ayun lang eh, ang saya ko na. :) Ayun naman talaga ‘yung parang pinaka turn on sa’kin eh. :) Ano pa ba? Caring, kahit medyo isip bata, oks na.
Una, gusto kong mag thank you kasi kahit medyo sad ending ang labas natin, hindi ka nagbago sa’kin! Nalulungkot lang ako na parang kapag nag-uusap tayo, hindi ka ‘yung ganun kainteresado tulad ng dati pero hindi kita masisisi, ano bang magagawa ko? Hindi rin naman ako magbabago sa’yo eh. Kung pwede lang na maghintayan tayo eh, bakit hindi? Eh kaso, magiging mahirap sa lagay mo eh at ayoko naman nung parang wala kang kalayaan kasi naghihintay ka. At thanks kasi kahit papaano, napapansin mo pa naman ako.
Sorry naman sa lahat. Sorry kasi ayun nga, mali ‘yung ginawa ko dati, na parang iniwan kita sa ere, na parang napaasa kita. Lahat ‘yun, pinagsisisihan ko. :( Pero wala naman akong magagawa eh, ang pwede ko na lang magawa eh ang maging masaya para sa’yo. Pero kung sakaling mabigyan ulit tayo ng chance, hinding hindi ko na sasayangin ‘yun.  HINDING HINDI.
Natutuwa ako kasi kahit ang layo ko, andun pa rin ‘yung nasasabi mo at nasasabi ko na miss na natin ang isa’t isa, ganyan ganyan. Pero nakakalungkot din kasi alam natin pareho nakakahinayang ‘yung dati.
Hindi ko naman alam kung matutuwa ba ako o malulungkot kapag nagkakausap tayo nung tungkol sa’tin kasi hindi ko sure kung biro ba ‘yun o totoo. Sana totoo. Pero basta, ang alam ko, kinikilig ako kasi hindi mo ako kinakalimutang pakiligin. :”> ‘Yung mga simpleng “sana andito ka” o kaya, “malapit lang ‘yung school mo sa school ko, sayang”, eh nakakakilig na.
Hindi lang siguro eto ‘yung post tungkol sa’yo. Marami pa. :(
Haaaay. Pero sabi nga nila, if it’s meant to be, it’s gonna happen. Kung meant to be talaga ang dalawang tao para sa isa’t isa, hanggang sa huli, sila pa rin. SANA. SANA TALAGA.
Namimiss na kita, miss na miss.

No comments:

Post a Comment