Friday 7 September 2012

Before Anything Else

Feeling ko talaga hindi ako makakapag-aral ng mabuti hangga't hindi ko nailalabas 'to eh.

Naiinis ako sobra at dahil sa sobrang inis ko, naiiyak na lang ako. Bakit kaya 'pag ako, iba 'yung trato? 'Pag sa iba, mabuti namang tao. Ganito ba talaga ako? Anong meron? Pinipilit ko naman lahat para maging mabuting anak eh, bakit ba lagi akong nagaganito? Ako 'yung laging mali, ako tanga, ako suwail, ako gago, ako na lahat. Ni wala ngang nakitang maganda sa'kin kahit okay naman ako sa Acads, marami naman akong naachieve kahit sila 'yung laging dahilan kung bakit hindi 'yun natutuloy. Ano kayang mangyayari sa buhay ko na? Minsan parang gusto ko na lang na mawala dito sa mundo pero masama 'yun, alam ko. Sana lang maisip nila 'yung halaga ko, na kahit ganito naman nakakaramdam din ako. Paulit ulit ko namang sinasabi na masakit sa'kin kapag lagi niyang pinapamukha sa'kin na wala siyang pakialam sa'kin ah. Sobrang sakit. At sa tuwing laging may sinasabi sa'kin na hindi maganda na kahit pa sabihin mong pabiro lang, ang sakit sakit. Bakit hindi niya maisip 'yun? :(

No comments:

Post a Comment