Saturday 14 July 2012

Biglaan talaga 'to

Naiiyak ako, sobra. P!@#$%^&*(. Ang hirap ng taong may laging nanghuhusga sa'yo, nang kahit may konting bagay na gawin ka lang mayroon at mayroon silang masasabi. Malala pa, hindi mo kilala. Pero medyo malayo na 'yung hindi kilala, sabihin na lang natin na kilala nga ako ng konti. Pero isa pa sa mga totoong malala, ang dali kong maguilty sa mga bagay na 'di sigurado. Bwisit lang, 'diba? Ang dami kong problema sa sarili ko.

Kung pwede lang sana na i-unfollow ako, i-unfriend o i-block nila ako, mas magiging okay sa'kin 'yun eh. Eh hindi eh, sa kahit anong paraan, walang mangyayari, andun at andun 'yung makikita nila 'yung post ko at makikita ko 'yung kanila/kanya. 'Wag ka na lang magsalita. Ayun na lang siguro o kaya naman 'wag mo na sabihin online at 'yung tipong mababasa ko pa.

Basta ako, sana 'wag kong mapansin ulit 'yung mga ganitong bagay.

No comments:

Post a Comment